KUNG tawagin ng mga nagtatrabaho sa isang hotel ang isang sexy star ay napakabatang sugar mommy.
Ilang beses nang nagtse-check-in sa yayamaning hotel ang female personality na iba-iba ang kanyang kasama.
Maganda ang kanilang drama. Unang papasok sa hotel ang sexy actress na kasama ang kanyang PA. Pag-alis ng kasama niya ay saka pa lang papasok sa hotel room ang lalaki.
“Nakakaloka ang babaeng ‘yun, napakabata pa niya, pero ang dating niya, e, sugar mommy na siya. Ang bata-bata pa niya, hindi naman siya mauubusan ng lalaki, pero bakit siya ganu’n?
“Ang mga kaibigan ko, e, nagtatrabaho sa sosing hotel na palagi niyang pinupuntahan. Siyempre, ang drama nila ng kasama niyang guy, e, lihim ang pagpunta nila du’n.
“So, kapag dumarating na ang inorder nilang food, magpupunta sa CR ang girl para hindi siya makita ng waiter, ang guy ang pumipirma sa food delivery
nila.
“Hindi nga siya nakita ng waiter, pero siyempre, alam naman nu’ng tao kung sino ang naka-check-in, di ba? Nakapagtago kaya siya nu’ng lagay na ‘yun, e, ang naka-register naman sa hotel, ang name ng girl!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Maaga silang nagtse-check-in, pero hanggang gabi lang sila, bihirang mag-overnight ang sexy actress kahit sino pa ang kanyang kasama.
“Umaalis din sila sa gabi, palaging ganu’n ang ginagawa ng girl, maghapon lang silang magkasama ng guy sa hotel. Siyempre, siya ang taya, card niya ang ginagamit ng girl kapag palabas na sila ng kasama niyang guy.
“Siya talaga ang gumagastos kahit sino pa ang kasama niya. Talagang para siyang sugar mommy, e, bata pa naman siya. Very generous talaga ang girl na ‘yun!
“Minsan lang siyang hindi nagbigay ng card niya, nu’ng magkita sila du’n ng isang male personality na sikat at madatung.
“Hindi niya ginamit ang card niya dahil ang kasama niyang guy ang taya sa lahat-lahat,” makahulugan pang kuwento ng aming impormante.
Napakadaling hulaan kung sino ang female personality na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakakontrobersiyal niya ngayon! Pramis!