Digong sinibak na ang interim president ng PhilHealth | Bandera

Digong sinibak na ang interim president ng PhilHealth

- June 04, 2018 - 03:58 PM

SINIBAK na ni Pangulong Duterte ang kontrobersiyal na ang interim president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Celestina Ma. Jude de la Serna dahil sa maluhong paggastos at pagbiyahe.

Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na itinalaga na ni Duterte si Dr. Roy B. Ferrer bilang kapalit ni de la Serna.

Pinirmahan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment paper ni Ferrer noong Hunyo 1, 2018.

“I am please to inform you that President Rodrigo Roa Duterte has approved thew nomination of Mr. Roy B. Ferrer as Acting presient and Chief Executive Officer of Philippine Health Insurance Corporation,” sabi ni Medialdea.

Matatandaang isinulong ng Kamara ang imbestigasyon laban kay de la Serna matapos namang kuwestiyunin ang paggastos niya ng P3,800 kada araw para sa kanyang tinutuluyang bahay sa Maynila.

Nauna na ring ipinag-utos ni Duterte ang imbestigasyon kay de la Serna matapos ang report mula sa Commission on Audit (CoA) na umastos siya ng 627,000 sa pagpunta at pag-uwi sa Bohol noong 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending