Du30 may pabaong “smack kiss” sa isang OFW sa South Korea

MAY pabaong smack kiss si Pangulong Duterte sa isa sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa South Korea matapos naman ang kanyang pagbisita sa Filipino community sa naturang bansa.

Bago matapos ang kanyang talumpati, tinawag ni Duterte ang dalawang Pinay sa itaas ng entablado kung saan agad naman silang umakyat.

Inabot ni Duterte ang librong dala sa dalawang babae.

Bago bumaba ng entablado ang dalawa, nagpaunlak ng halik si Duterte kung saan hinalikan siya ng isa sa pisngi.

Talon naman ng talon sa sobrang kagalakan ang isa pang Pinay na nasa entablado habang nakikipag-usap kay Duterte.

Sumenyas naman si Duterte sa babae na halikan siya sa labi.

Sumignal si Duterte na sabay silang hahalik sa labi at game namang binigyan ng OFW ang Pangulo ng smack kiss.

Bago nito, nagbiro pa si Duterte sa mga dumalo sa pagtitipon na lilisanin nila ang Grand Hilton hotel and convention center bilang miyembro ng “lglesia ni Rodrigo.”

Nasa South Korea si Duterte para sa isang official visit. Inquirer

Read more...