E-cigarettes pamalit sa yosi di rin safe

NOONG Huwebes, Mayo 31, ay ginanap ang World No Tobacco Day 2018 na inorganisa ng World Health Organization (WHO) para makatulong na ipaalala sa lahat ang panganib ng paninigarilyo at kung paano ito makakaapekto sa kalusugan at maging sa mga taong nakapaligid sa isang naninigarilyo.

Marami ang sumusubok na ayawan ang paninigarilyo sa tulong ng e-cigarettes su-balit ang paggamit nito ay naglalagay ng panibagong peligro sa kalusugan ng isang taong gumagamit nito.

Sa nakalipas na mga taon may mga ilang pag-aaral na tiningnan ang posibleng panganib na hatid ng e-cigarettes bagamat may mga lumalabas na magkakasalungat na resulta.

May isang pag-aaral na tumingin sa datos ng halos 70,000 kalahok na ang paggamit ng e-cigarette araw-araw ay may kaugnayan sa halos dobleng peligro ng pagkakaroon ng heart attack.

Ang paninigarilyo ng tobacco cigarettes kada araw ay may kaugnayan sa halos tatlong beses na peligro at ang paggamit nito ay humahantong sa limang beses na peligro sa heart attack kumpara sa mga non-smoker.

May pananaliksik sa University of Louisville na nabatid na may mga kilalang kemikal na ginagamit para magkalasa ang mga e-cigarette li-quid ay nagiging sanhi ng pagbabago o pagkasira ng heart muscle cells kung saan may mga kemikal na nagpa-patigil sa mga heart cell na gumalaw ng hanggang 24 oras o kaya magpatibok dito nang mabilis.

Naglabas naman ang United States research nitong taon ng pag-aaral na nabatid na may mga kemikal na ginagamit bilang pampalasa sa mga e-cigarette liquid na kapag pinainitan ng e-cigarette device para maging usok at sinisinghot ng gumamit nito ay nakakalason sa white blood cells.

Ito ay matapos ilantad ng nasabing grupo ang isang uri ng white blood cell na tinatawag na monocytes, na tumutulong sa paglaban ng katawan sa impeksyon, sa iba’t ibang e-liquid.

Nalaman din nila na ang pampalasang kemikal at likido ay nagiging sanhi ng pamamaga sa mga cells at pagkamatay ng mga ito. May mga pampalasa rin na mas nakakasira lalo na ‘yung lasang cinnamon, vanilla at butter na mas pinakamapanganib. Ang paghahalo ng e-cigarette flavors ay may mas masamang epekto kumpara sa isa lang na pampalasa.

Sa isang pag-aaral sa United Kingdom ay nalaman na ang e-cigarettes ay nagdadagdag ng panganib ng pneumonia dahil nauudyukan nito ang mga pneumonia-cau-sing bacteria na dumikit sa mga cell na nasa airways ng baga na humahantong para mas madaling kapitan ng nasabing karamdaman.

Hindi naman direktang kinumpara ng nasabing pag-aaral ang panganib ng e-cigarettes at tobacco cigarettes su-balit sinabi ng mga ma-nanaliksik na ang mga resulta ay nagmumungkahi na ang mga gumagamit ng mga e-cigars ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng lung infection kumpara sa mga tao na hindi gumagamit nito.

Ayon naman sa isang 2016 U.S. study, ang mga electronic cigarette ay nakakasira rin sa gilagid at ngipin tulad ng tobacco cigarettes. Nabatid ng mga mananaliksik na kapag ang gum tissue ay lantad sa mga singaw ng e-cigarettes, ang mga cell ay naglalabas ng mga inflammatory protein na nagpapasama rito ay nagiging sanhi ng pagkasira na humahantong sa iba’t ibang oral disease.

May ilang din pampalasang kemikal na ginagamit sa e-cigarettes na mas lalong nagpapasam sa pagkasira ng mga cell. May Canadian study na lumabas sa pareho ring taon na nabatid na may malaking bilang ng mga mouth cell na namamatay matapos ang ilang araw na maging lantad sa e-cigarette vapor sa loob ng laboratoryo.

Read more...