KAHIT kilala bilang isang Born Again Christian, ino-observe ngayon ni Piolo Pascual ang Ramadan, ang holy month of fasting ng Islam.
“Just to pay respects dahil sa ginagawa naming pelikula (tungkol sa Marawi siege). That’s why I lost a lot of weight,” ang simulang kuwento ni Piolo sa media conference ng bago niyang endorsement, ang My Daily Collagen.
“Kami ni Joyce Bernal, sinamahan lang namin iyong mga Muslim para alam lang namin ang takbo ng isip nila, why they do it, and what they do it for. Ginagawa ko sun up to sundown,” pahayag pa ni Papa P tungkol sa Ramadan.
Dagdag pa ng Ultimate Heartthrob, sinasabayan nila si Robin Padilla sa pagdarasal na siyang bibida sa ginagawa nilang war film.
“He gave us iyong mga prayers. Pero siyempre, I still pray to the same God. I am a Born Again Christian. Iyon lang, ino-observe ko lang ang tradition nila which is sun up to sundown,” chika pa ni PJ.
Isang malaking proyekto raw ang ginagawa nilang pelikula about the Marawi siege, “We have a meeting with sir Carlo Katigbak of ABS on Saturday. We had a meeting with kuya Robin and our financiers two nights ago.
“They’ve done an ocular already in Marawi. We are just finalizing the casting. Meron na ring budget for the shoot. Hopefully by June, not later than July, makapag-grind na,” kuwento pa ng aktor.
Pero bago raw ito ipalabas sa Pilipinas, dadalhin muna nila ito sa mga international film festival, “We want to concentrate more on sen-ding it abroad first. One of our producers was in Cannes this month just to present our film. There were a lot who are interested.
“Kasi parang sinasabi namin sa script, huwag kami magpadala sa play date. That’s the last thing we want kasi magsu-suffer talaga ang quality ng film. What we are focusing on is to finish the film and do an exhibition, probably in Toronto in September, and have a commercial release here in Ja-nuary,” aniya pa.
q q q
Samantala, ayon sa Global Wellness Enterprise perfect daw si Piolo bilang ambassador ng My Daily Collagen. Ayon kay Anna Perez, President and CEO ng GWE, si PJ ang first choice nila para maging mukha ng My Daily Collagen na sikat na sikat ngayon sa Japan. Kaya naman nakipag-collaborate sila sa Nizona Corporation ng Japan para sa madala ang produktong ito sa Pilipinas.
“Japanese people live busy and fast-paced lives, and I saw that many of them are taking this pro-duct as part of their daily routine where they can simply pop into a store and buy an antioxidant drink. It amazed me, and I wanted to bring this kind of wellness consciousness to the Philippines,” ani Anna.
Superprotein ang tawag ni Piolo sa collagen which according to him is considered as the “glue” that holds the bones, muscles, tendons, joints, and the skin together.
“For me, it may increase energy levels, may fasten recovery from intensive workouts, may reduce joint pains, may help rejuvenate skin to look younger, and may improve sleeping habit!” ani PJ na kahit 41 years old na ay bagets na bagets opa rin ang itsura.
Halos dalawang dekada na si Piolo sa showbizbusiness at hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng madlang pipol. Ano ang maipapayo niya sa mga Pinoy who wanted to live an energetic and vibrant life like his.
“Be humble. Enjoy life with your loved ones. Be active. Eat and live healthy. And perhaps, drink healthy na rin,” sey ni PJ.
For more updates about My Daily Collagen, just visit Facebook and Instagram @mydailycollagen.