Tatay ni Ellen Adarna pumanaw na matapos ma-cardiac arrest

ELLEN ADARNA

PUMANAW na ang tatay ni Ellen Adarna na si Alan Modesto Adarna matapos ma-cardiac arrest.

Sa Instagram post ng isang netizen na may handle name na @floraltouchbycathy, makikita ang litrato na isang kabaong na may caption na: “Our condolences and Prayers to the Adarna’s Family. God grant you Eternal Peace Sir Alan Adarna.”

May isang follower ang nasabing florist na nagtanong ng, “Daddy ni Ellen namatay maam?” Na sinagot naman niya ng, “Yes.”

Kilala ang pamilya ni Ellen sa Cebu na nagmamay-ari ng maraming negosyo kabilang na ang kanilang chain of motels na Queensland na may mga branch din sa Manila at Davao.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang official statement si Ellen. Wala pa rin siyang ipino-post sa kanyang social media accounts.

Sa IG account namang @Jlc_Ellen may naka-post na quote card kung saan nakasulat ang “Rest in peace!”

Samantala, nang i-check namin kahapon ang IG ni @floraltouchbycathy, wala na ang photo ng burol na kanyang ipinost.

Read more...