Enrique pinuri ng netizens bilang action star

NGAYONG linggo sa pagpapatuloy ng Bagani sa Primetime Bida ng ABS-CBN, tutukan kung matutuloy na ang muling pagsasama nina Ganda (Liza Soberano) at Lakas (Enrique Gil) na matagal nang hinihintay ng mga LizQuen fans.

Sa huling eksena last Friday, binitin ang pakikipaglaban ni Lakas sa hari ng Dako Paroon na si Gaki (Justin Cuyugan). Tuluyan na nga kaya niyang mapatay ang demonyo at mapalaya na si Ganda? O, baka may bagong pasabog si Gaki para hindi na makabalik sa kanilang mundo ang dalawang bagani?

In fairness, puring-puri ng manonood si Enrique sa Bagani dahil sa galing nito sa maaaksyong eksena, pati na rin sa madadramang tagpo.

Abangan din ang madugong labanan na magaganap sa pagitan ng mga bagani at ng mga bago nilang kaaway, lalo na’t dumating na sa lugar ng mga pirata sina Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla).

Kasama pa rin sa Bagani sina Aiko Melendez, Matteo Guidicelli, Dimples Romana, Kristine Hermosa, Ryan Eigenmann, Rayver Cruz, Robert Sena, Christian Vasquez at marami pang iba, sa direksyon nina Richard Arellano, Lester Pimentel at Raz dela Torre.

Read more...