14 patay sa aksidente sa Davao del Sur

PATAY ang 14 na katao nang bumangga ang isang utility van na sakay ang mga empleyado ng isang kompanya ng niyog sa isang 10-wheeler cargo truck sa Barangay Astorga sa Sta. Cruz, Davao del Sur makalipas ang tanghali kanina.
Sinabi ni Senior Supt. Samuel Gadingan, Davao del Sur police director, na pawang mga pasahero ng Hino UV van na pag-aari ng Franklin Baker Co., na nakabase sa Sta. Cruz, ang mga nasawi.
Idinagdag ni Gadingan papunta ang van sa  Davao City ganap na alas-12:30 ng hapon nang mag-overtake ang driver nito sa Sitio Lantawan. Hindi nito napansin ang paparating na trak.
“Witnesses said the driver also appeared to have lost control of the vehicle and slammed into the incoming truck,” sabi ni Gadingan.
Ani Gandingan, nayupi ang utility van dahil sa lakas ng banggaan.
Idinagdag ni Gandingan na dead on the spot ang 12 empleyado ng Franklin Baker, samantalang sugatan naman ang apat na iba pa, kasama na ang driver.
“However, based on the latest report reaching us, two more died. The driver and another injured passenger were still being treated. The driver was to be transferred to a hospital in Davao City,” ayon pa kay Gandingan.
Nasa kostudiya na ng pulis ang driver ng trak at assistant nito habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang  Sta. Cruz police.
“We do not know when accidents would occur so it would be better to be safe at all times. Avoid driving too fast and do not overtake when the situation is tight,” ayon pa kay Gandingan.

Read more...