APEKTADO ang maraming pasahero matapos namang magkaaberya ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) sa araw ng Linggo dahil umano sa technical problem.
Sa isang advisory, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na patuloy ang “technical repairs” malapit sa Central Station sa Quiapo, Maynila.
“Technical repairs ongoing on a catenary line near Central Station. For the meantime, train operations are limited between Blumentritt and Roosevelt Stations. Apologies for the inconvenience. Ingat sa biyahe,” sabi ng LRT-1.
Sakop ng LRT-1 ang biyahe mula Roosevelt hanggang Baclaran at pabalik.
Iginiit naman ni Rochelle Gamboa, LRT-1 Head of Corporate Communications, na ang insidente ay “not a major problem.”
“This is not a major problem ha? Parang maintenance repair lang siya,” sabi ng Gamboa.
Idinagdag ni Gamboa na nangyari ang insidente ganap na alas- 11:30 ng umaga.
“Kailangan natin kasi patayin yung power sa affected line para maayos natin yung kuryente,” sabi pa ni Gamboa.