Alice nagreklamo sa produksyon ng Probinsyano kaya mas pinaganda raw ang role kesa kay Dawn

SPEAKING of Ang Probinsyano, kitang-kita ngayon ang bonggang exposure ni Alice Dixson bilang very supportive mother ng nakakabaliw na karakter ni JC Santos.

Kumpara sa role ni Dawn Zulueta bilang asawa ng Presidente ng Pilipinas (Rowell Santiago), tila mas may laman ngayon ang karakter ni Alice na halos araw-araw ay may eksena sa serye.

Totoo kaya ang nabalitaan namin na kaya mas maganda ang role niya ngayon kesa kay Dawn ay dahil nu’ng minsan itong umalis ng bansa to shoot for a movie abroad ay meron umano itong reklamo sa kanyang exposure sa Probinsyano dahil balitang hindi yata ‘yun ang naipramis sa kanya ng production.

Bilang kunsitindorang nanay ni JC who is head over heels ang pagkagusto sa karakter ni Yassi Pressman, alam daw ni Alice na mas makapal ang role niya at hindi siya papayag na maging among those lang siya sa serye.

“Kaya nga sa grupo sila ng mga kontrabida (Edu Manzano, Mark Fernandez at iba pa) sumama kasi mas alam nilang bongga yun, in terms of exposure and talent fee,” sey ng nagtataray na source namin.

Ibig sabihin, mas malaki ang bayad kapag kontrabida ka sa teleserye? Kaya pala mas marami ang gustong maging masama ngayon ha. Ha-hahahaha!

Read more...