True ba, hashtag Nikko nagtaray, may minurang mommy sa mall?

NIKKO NATIVIDAD

WALA pang official statement si Hashtag Nikko Natividad sa akusasyon ng isang netizen na diumano’y masama ang kanyang ugali at feeling sikat na sikat na.

Nag-post ng mahabang mensahe ang isang @IvyDCBernardo tungkol sa hindi kagandahang experience nila kay Nikko at sa kasama nitong babae na pinaniniwalaang girlfriend ng aktor-dancer.

Ayon sa netizen, “Gwapo mo sana eh, bastos ka lang. Wala ka bang mama?”

“Tapos nagsalita si Mama. Malayo kami pero dinig si mama, sabi nya ‘jusko pa shade shade pa di naman masyadong sikat hayaan na natin sya.’ Kasi parang ayaw nya talaga, ang arte nung datingan nya. Tas pag lakad ni Mama sabi ni Nikko kay Mama, ‘F*ck you ka.’

Sabi pa ng netizen, “Kala mo walang kasama si mama no? Pasalamat ka nasa loob ka ng Penshoppe kundi durog kana, kalalaki mong tao patalikod ka nanggagago wala kang mukhang maiharap?”

Sa Twitter account naman ni Nikko, nag-post siya tungkol sa pagsusuot ng shades na pinaniniwalaan ng kanyang followers na sagot sa mga tweet ni @IvyDCBernardo, “Hindi shades ang basihan ng pagiging sikat. Kahet sinu kahet anu kahet saan pwede ka mag shades, basta trip mo.”

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ni Nikko.

Read more...