Hayden, Vicki binatikos dahil sa litrato ni Scarlet sa eroplano

BATIKOS ang inabot nina Vicki Belo at Hayden Kho when they posted a photo kung saan natutulog ang daughter nilang si Scarlet Snow while in an airplane going to Singapore.

Napansin agad ng netizens na nasa economy class si Scarlet, bagay na hindi nila maintindihan. Ang feeling nila, dapat nasa business class din si Scarlet kasama nina Hayden at Vicki.

“Why is she in economy class only? Her sleeping position is not comfy? Parang masakit sa neck. Knowing her mom could afford the business class. Kawawa naman si baby,” one basher said as reported by one Facebook fan page.

“No problem if they were seated in the economy section. But the parents are more comfortable than their daughter being in the business section. ‘Yun ang mali,” said another basher.
Marami naman ang nagtanggol sa mag-asawa.

“Ang daming mga magagaling magbatikos ngunit sariling buhay nila di maayos ayos! Bago nyo punahin ang kondisyon ng batang yan na mahimbing na natutulog sa eroplano, punahin nyo muna ang pagiging chosero nyo!”

“Ang daming mga bata na natutulog sa lansangan ni walang makain at walang nagaalaga! Yan ang punahin nyo at tulungan nyo sa halip na mambatikos kayo ng mga tao na maayos pinapalaki ang kanilang mga anak. Mga walang utak!”

“Nganong magboot mga tao kung business class ba o economy. Malay natin baka yung yaya nasa economy siempre yung bata doon din. Tsaka pera nila yun, wala po tayong karapatan panghimasukan ang kanilang private lives.”

Read more...