SUMAKLOLO ang GMA Network bilang suporta kay Atom Araullo sa gitna ng nagaganap na social media war sa pagitan ng award-winning broadcast journalist at ng direktor na si Mike de Leon.
Sa Twitter account ng Kapuso Network, inilabas nito ang achievements ni Atom mula pa nu’ng naging bahagi siya ng children’s educational show na 5 & Up.
Tweet ng @gmanetwork, “The 35-year-old Filipino journalist is a certified multi-hyphenate. He just added ‘actor’ to his long list of credentials and impressive resume.”
Ang ibig sabihin ng salitang hyphenate ay, “A person who is active in more than one occupation or sphere.”
Inilabas din ng GMA ang ilang fotos ng evolution ng broadcast journalist bago naging artista.
Bukod sa pagiging multi-awarded journalist, TV host, model, triathlete, isa rin siyang United Nations advocate for Refugees and environmental preservation focusing on marine ecosystems.
Isa rin siyang UP Diliman student na lumaki sa isang activist family at nakibaka rin laban sa diktaduryang Marcos.
Bumilib din kasi ang marami sa tapang ni Atom na lumaban sa kanyang direktor sa pelikulang “Citizen Jake” at ibisto ang pagiging “deeply troubled” nito na kailangan ng pang-unawa.
Sa mga artistang idinirek ni De Leon noon gaya nina Vilma Santos, Hilda Koronel, Christopher de Leon at iba pa, naging tikom kanilang ang bibig sa naging experience nila sa pakikipagtrabaho rito.
Kaya sa ginawa ni Atom, exception siya sa general rule na porke isang Mike de Leon ang director mo eh, mananahimik ka na lang, huh!
Atom should be proud dahil lumipat siya sa Kapuso Network na handa siyang ipaglaban kung kinakailangan.
Habang tinatapos namin ang artikulong ito, wala pang sagot si Atom sa huling birada ni Direk Mike against him.