PGT finalist may sitcom na, kasama pa sa movie nina Vhong at Vice

PATULOY na bumubuhos ang blessings para kay Pilipinas Got Talent grand finalist Joven Olvido dahil kabilang na siya sa cast ng Funny Ka, Pare Ko, ang sitcom ng CineMo na pinagbibidahan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani.

Hindi nalalayo sa personalidad ni Joven ang karakter niya sa ikalimang season ng Funny Ka, Pare Ko na si Joven Petma, isang kagiliw-giliw na abogado na laging may baon na vape tricks at nakakalokang legal advice.

Ito ang pangatlong good news ngayong taon kay Joven matapos ibalita ni Vice Ganda noong Abril na kasama si Joven sa kanyang upcoming movie ngayong Pasko. Kabilang din si Joven sa pelikula ni Vhong Navarro under Regal Films na “Unli Life.”

Hindi maitago ni Joven ang kanyang galak at kaba sa sunod-sunod na proyekto bilang isang first time movie at TV star.

“Sobrang saya ko po dahil sa blessings, pero siyempre kinakabahan din po. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang gagampanan kong roles. Sobrang thankful ko lang po sa lahat.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamadaman ko,” ayon kay Joven.

Huwag palampasin ang Funny Ka, Pare Ko season 5 tuwing Linggo, 5 p.m. sa CineMo ng ABS-CBN TVplus.

Read more...