Bianca pinuri ng netizens at co-stars sa Kambal Karibal

ISA sa pinakapinag-usapan sa Twitter kamakailan ay ang episode ng Kambal, Karibal kung saan inihatid na si Makoy (Jeric Gonzales) sa kanyang huling hantungan.

Dito ibinuhos nang husto ni Crisan (Bianca Umali) ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang parekoy. Sinang-ayunan naman ng mga netizens ang co-stars ni Bianca sa serye na nabigyang hustisya nito ang pagganap sa kanyang karakter.

Kaya naman nang minsan namin siyang tanungin kung anong masasabi niya kapag pinupuri siya ng mga beteranong artista, aminado si Bianca na nahihirapan siyang mag-react kapag nakakatanggap ng mga ganitong papuri.

Pero dagdag niya, isa itong assurance para sa kanya dahil nasasabi niya sa sarili na maayos ang ginawa niya at dapat pang pag-igihan para sa mas ikagaganda ng programa.

At siyempre, bukod kay Bianca, halos gabi-gabi ring nagpapakitang-gilas ang ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix lalo na kapag magkaeksena na sila ni Marvin Agustin. Hindi talaga nagapalamon ang binata sa napakagaling na akting ni Marvin sa serye bilang kontrabida.

Samantala, alamin ang mga susunod na kaganapan sa Kambal, Karibal dahil mas marami pang kaabang-abang at mga pasabog na eksena ang mapapanood sa mga susunod na episodes.

Read more...