Ex-GOCC chief Jurado: Never kong tinanggap ang P850K allowance

Hindi umano tinatanggap ni Rudolf Philip Jurado, ang sinibak na hepe ng Office of the Government Corporate Counsel, ang halos P1 milyong buwanang allowance at honoraria mula sa mga government owned and controlled corporation para sa ibinibigay nitong serbisyong legal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Jurado na kahit na ang allowance niya mula sa 350 water district ay hindi rin niya kinuha.

“All allowances that I was supposed to receive from our almost 120 GOCCs and about 350 water district clients. Sa GOCCs around P500,000 a month then sa water districts sabihin mo na lang na P1,000 per month sa 350 that would be P350,000 a month”

Kung tutuusin, mas malaki pa ito sa allowance na tinanggap ni Solicitor General Jose Calida noong  2017 at ngayon ay kinukuwestyon ng Commission on Audit.

“…talo ko pa si SolGen around P850,000 a month  more or less na allowances ko.”

“I did not get and refused to accept the monthly allowances that I was supposed to receive from various client GOCCs when I was the Government Corporate Counsel from April 2017 up to May 2018 amounting to Php 500,000 or even more if we will include allowances coming from various water district clients,” ani Jurado.

Sinibak si Jurado ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan matapos umanong hindi magustuhan ang kanyang legal opinion sa Aurora Pacific Economic Zone para sa operasyon ng isang casino.

Sinabi ni Jurado na mayroon lamang mga galit sa kanya dahil ipinatitigil niya ang mga secret allowances na tinatanggap ng mga abugado ng OGCC.

Read more...