Mga nanay asar na asar kay KIM CHIU

Abalang-abala ngayon ang mga tagahanga ni Kim Chiu sa pagdedepensa sa kanilang idolo na pinuputakti ng mga hindi kagandahang komento tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.

Hindi kasi matanggap ng mas nakararami nating kababayan na ni hindi man lang sinilip ni Kim ang nakaburol niyang ina, umalis siya sa bansa habang nakaburol ito dahil sa isang commercial shoot sa Thailand, masasakit na salita ang ipinakakain kay Kim ng ating mga kababayan nang dahil sa kanyang ginawa.

Noon kasi ay nakuha ni Kim ang simpatya ng publiko dahil sa kuwentong taon na ang binibilang ng hindi nila pagkikita ng kanyang nanay, awang-awa sa kanya ang mga kababayan natin nu’n, pero dahil sa ginawa niyang hindi man lang pagsilip sa bangkay ng kanyang ina ngayon ay parang naglaho ang simpatya sa kanya ng marami.

Sabi ng isang text na tinanggap namin, “Anong klase ba siyang anak? Iisa lang ang nanay, hindi napapalitan, pero bakit mas binigyan pa niya ng importansiya ang TV commercial shoot niya sa ibang bansa kesa sa magpunta sa burol ng nanay niya?

“Nakakagulat ang ginawa ni Kim, nanay niya ‘yun, kinaya niyang tiisin, samantalang meron naman siyang magagawang paraan para masilip man lang niya sa pinakahuling sandali?

“Pati sa libing, hindi rin siya makararating, hindi raw maipo-postpone ang TVC shoot niya!” inis na sabi sa text ng isa nating kababayan. Isa lang ang masasabi namin. Ang ina ay ina ay ina. ‘Yun lang.

Read more...