Binatilyo patay matapos malunod sa Burnham Lake ng Burnham Park

PATAY ang 16-taong gulang na binatilyo matapos malunod sa Burnham Lake sa Burnham Park sa Baguio City matapos namang tumalon makalipas ang hatinggabi noong Huwebes, ayon sa Cordillera police.

Tumakbo ang binatilyo sa Lake Drive ng park bago tumalon sa lawa ganap na ala-1:10 ng umaga, ayon sa dalawang nakasaksi, na tinangka pang kumbinsihin ang biktima na umahon.

Lumubog ang binatilyo at hindi na lumutang.

Sinabi ni SPO4 Miguel Gayaden, isang miyembro ng Tourist Police Unit, inihaon ang biktima at dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC). Nalagutan ng hininga ang biktima ganap na ala-5:30 ng umaga.
Nakilala ang biktima, na isang lokal na residente, sa pamamagitan ng kanyang rekord sa BGHMC.

Read more...