Sunshine hiniya ng kaaway na negosyante; yaman ni Joel Cruz pinaiimbestigahan sa BIR

SUNSHINE CRUZ AT KATHY DUPAYA

Banta ng negosyanteng kababayan natin sa Brunei na si Kathy Dupaya ay kakasuhan niya ng libel ang mga personalidad na sumira sa kanyang pangalan at imahe. Sa Jolo, Sulu raw niya isasampa ang kaso.

Kapag itinuloy ng negosyante ang kanyang plano ay mapapagod sa pagbibiyahe sina Joel Cruz, Sunshine Cruz, Ynez Veneracion at iba pang mga personalidad na kaalitan niya ngayon sa usapin ng pera.

Matindi ang galit ng businesswoman kay Joel Cruz, nananawagan pa nga siya sa mga tagapamuno ng BIR na busisiin ang tinatamasang kayamanan ngayon ng negosyante, alamin daw ng BIR kung paano at bakit yumaman si Joel Cruz.

Gustung-gusto ng negosyante ang ganitong senaryo, mahilig sa publisidad si Joel Cruz, wala itong pakialam kung sa anumang paraan ito napag-uusapan dahil ang mahalaga para sa kanya ay ang nalalagay ang kanyang pangalan at retrato sa mga pahayagan.

Pero hindi rin siguro nasukat ni Joel Cruz ang kapasidad ni Kathy Dupaya, hindi siguro nito naisip na kaya rin palang magpa-presscon ng ating kababayan para ibigay ang kanyang panig, nasorpresa siguro si Joel Cruz at ang iba pang mga nagrereklamong artista na ilalantad pala ni Kathy Dupaya ang malaking ginanansiya nila.

Isinumbat ni Kathy Dupaya pati ang mga pagbiyahe nila ni Sunshine Cruz na siya ang gumagastos, pati ang mga iniregalo niya sa aktres na tinawag niyang dating boldstar ay ipinaglantaran niya sa publiko, dati silang magkaibigan na ngayon ay pinakamatinding magkaaway dahil sa pera.

Parang teleserye ang takbo ng usaping ito na kung kailan matatapos ay sila-sila lang ang nakakaalam.

Read more...