Kasal ng government official di na matutuloy dahil kay Ara


TOTOO  kaya ang naibalita sa amin na hindi na matutuloy ang kasal ng isang government official sa fiance nito nang dahil kay Ara Mina?

Ayon sa naglabasang balita, nabuking diumano ng babaeng pakakasalan ng opisyal na may namamagitan sa lalaki at kay Ara nang hindi sinasadyang mabasa nito ang mensahe ng guy sa cellphone ng aktres.

Bagama’t tigas ang pagtanggi ni Ara sa isyu kasabay ng pakiusap na tigilan na ang pagli-link sa kanila ng opisyal at huwag nang mandamay ng ibang tao, sinabi ng aming source na kaibigan ng babaeng karelasyon ng government official na hindi na matutuloy ang kasal. Galit na galit daw talaga ang girl sa nangyari.

“Good thing nabuking or else magpapakasal ang friend ko sa lalaking may ibang babae. Ang sakit naman no’n,” sabi ng source namin.

Hirit namin, baka naman tagang kaibigan lang ni Ara ang opisyal, “E, kaso nabuking nga ang text message, so paano pa ide-deny yun?” sagot sa amin.

Kung matatandaan, nabalitang, nabuking daw ng girlfriend ng opisyal ang diumano’y relasyon ni Ara at ng kanyang boyfriend nang makita niya ang text message nito sa cellphone ng aktres habang kumakanta sila sa stage.

Ginamit kasi ni Ara ang kanyang telepono para sa lyrics ng kanta. Naganap daw ang insidente sa birthday party ng aktres kamakailan.

Read more...