Derrick nag-react sa basher na nagsabing 'kahit maghubad ka flop ka pa rin' | Bandera

Derrick nag-react sa basher na nagsabing ‘kahit maghubad ka flop ka pa rin’

Ervin Santiago |May 30,2018
facebook
share this

Derrick nag-react sa basher na nagsabing ‘kahit maghubad ka flop ka pa rin’

Ervin Santiago - May 30, 2018 - 12:05 AM

NAG-REACT ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa panglalait sa kanya ng isang hater sa social media.

Nag-post ang binata ng isang sexy photo sa Instagram kung saan makikita siyang nakahubad at nakadapa sa isang kama. Maraming nagkomento ng positibo sa kanyang photo pero may isang basher ang tila nais badtripin ang binata.

In fairness, nakuha naman ng nasabing netizen ang atensyon ni Derrick sa negang comment niya sa IG post ng Kapuso actor. Sey ng hater na may handle name na @manalllopez, “Kahit maghubad ka flop ka pa rin.”

Hindi pinairal ni Derrick ang init ng ulo sa pagsagot sa kanyang basher at sa halip na talakan ito at resbakan ng masasakit na salita isang simpleng emoji lang ang ibinalik niya rito.

Sa halip, ang nagtanggol sa kanya ay ang kanyang mga IG followers na talagang kinuyog ang basher. Pinayuhan din si Derrick ng kanyang fans na huwag nang patulan ang tulad ni @manalllopez dahil gusto lang nitong magpapansin sa kanya.

Nagpasalamat naman ang leading man ni Barbie Forteza sa Kapuso primetime series na Inday Will Always Love You sa lahat ng nagtanggol sa kanya.

Samantala, patok na patok sa manonood ang tambalang DerBie na gabi-gabing nagpapasabog ng good vibes sa GMA Telebabad series na Inday Will Always Love You. Ang taas ng rating ng serye mula nang magsimula ito last week.

Puro papuri rin ang natatanggap nina Barbie at Derrick sa IWALY, bagay na bagay daw ang dalawa at ang lakas magpakilig. Kaya naman hindi lang sa rating hataw ang serye, every night din itong trending sa socmed. Pati nga ang hairstyle ni Barbie sa serye ay ginagaya na rin ngayon ng mga Pinoy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending