Loisa waging Favorite Pinoy Newbie sa Nick Kids’ Choice Awards


PINASALAMATAN ng Kapamilya teen star na si Loisa Andalio ang lahat ng kanyang fans and supporters matapos magwagi sa 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dalaga ng kanyang litrato kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya para makuha ang Favorite Pinoy Newbie sa Nick Kids’ Choice.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagpunta at sa lahat ng naghintay. Mahal na mahal ko kayong lahat kung hindi dahil sainyo wala ako ngayon dito at hindi natin makukuha ito ang First Award na nakuha ko/natin ang KCA Favorite Pinoy Newbie, the best kayo!” ang caption ni Loisa sa kanyang IG photo.

Ayon kay Loisa, ito ang kauna-unahang award na nakuha niya simula nang pumasok siya sa showbiz. Produkto ng Pinoy Big Brother ang dalaga.

Read more...