School supplies tinamaan ng TRAIN

school supplies

TUMAAS umano ang presyo ng school supplies dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion ayon sa price monitoring ng Alliance of Concerned Teachers.

Ayon sa ACT tumaas ng P1 hanggang P5 ang presyo ng mga school supplies sa Divisoria, Manila kumpara sa presyo nito noong nakaraang taon.
“Including the price increases on school uniform, shoes and bags, the household budget for school opening needs rise from P2,000 to P2,500 per child who studies in public school.”
Doble umano ang tama ng TRAIN sa mga guro at magulang na abala rin sa pagpapaganda ng kanilang mga silid-aralan sa ilalim ng Brigada Eskuwela.
“The Brigada Eskwela program of the Department of Education which runs a week before the school opening passes on the expenses for classroom repairs and beautification to teachers and parents.”
Sinabi ng ACT na mayroon ding pressure na nararamdaman ang mga guro mula sa mga opisyal ng mga ito para mapilit ang mga magulang na tumulong sa pagsasaayos ng silid-aralan at maghanap ng pondo na magagamit sa pag-aayos.
Marami umano sa mga guro ang napipilitang maglabas ng kanilang sariling pera dahil dito.

Read more...