Jolina dedma sa sakit ng tahi matapos manganak; Mark umaming inatake ng matinding takot

JOLINA MAGDANGAL

DEDMA si Jolina Magdangal sa matinding sakit na nararanasan niya ngayon matapos ipanganak ang second baby nila ni Mark Escueta.

Isinilang ni Jolens si Baby Vika via Cesarean sa Asian Hospital & Medical Center kamakalawa. Sa kanyang Instagram account, ipinost ng TV host-actress-singer ang litrato ng sanggol ngunit kalahati lang ng mukha nito ang makikita.

Ito ang caption ni Jolens sa photo ni Baby Vika, “Andito na siya! salamat sa lahat ng dasal. Ang sakit ng tahi pero pipilitin ko kayanin.

“Sobrang worth it ang lahat ng sakit dahil sa nakita kong reaction ni Pele kay Vika. Will post pictures very very soon,” aniya pa.

Samantala, bago manganak si Jolina, nag-post si Mark sa IG ng litrato nilang mag-asawa kung saan ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman sa panganganak ng kanyang misis.

“Litrato ng naghahalong saya at takot. Photo by our panganay, Pele 🙂 Caesarean Section procedure scheduled for 9am tomorrow morning (May28). A very important day for the years to come. Si Pele CS din pinanganak pero kahit 2nd time na, natatakot pa rin.

“Thank you sa lahat ng nagdadasal, at magdadasal. Thank you sa @asianhospitalph for taking good care of us. Lord, thank you so much for being our comfort and peace. See you tomorrow Baby Vika,” caption ni Mark.

Read more...