HOROSCOPE June 29, 2013 | Bandera

HOROSCOPE June 29, 2013

Madam Sophia - June 29, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mula ngayon pahalagahan mo ang bawat sandali. Medyo tamad kasi kayong isinilang sa petsang 29, kailangan n’yo ang dagdag na sigasig upang magtagumpay. Sa pag-ibig, huwag hayaang mawala ang pagmamahal ng isang taong isinilang sa petsang 7, 16, at 25 –siya ang magbibigay ng suwerte. Mapalad ang 7, 8, 25, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)   – Upang huwag masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suwestyon ng kasuyong Leo ay  umoo ka na lang nang umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung lagi mong ipipilit ang iyong gusto. Mapalad ang 3, 9, 27, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –    Mahalin ang mga tao na nasa kapaligiran mo pagdating ng araw ang siya rin ang tutulong sa iyo. Sa pinansyal, kung nagigipit ay huwag kang mahiyang lumapit sa isang Virgo. Sa pag-ibig, isang naka-white na katabi mo ang lihim na naglalaway sa iyo. Mapalad ang 9, 18, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Om.” Pink at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –     Huwag maging mapili dahil ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago tuluyang umasenso. Sa pag-ibig, paano ka liligaya kung naghahanap ka ng perfect relationship?  Walang ganoon sa mundo. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Om.” Violet at magenta  ang buenas
Cancer – (June 22- July 22) –     Ang hina ng loob ang hadlang kaya hindi ka umunlad. Sa pag-ibig, alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay ganap na lumigaya. Laging sabihin sa sarili “matapang ako”  para makuha ang nais. Mapalad ang 2, 7, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –    Tanggalin ang pride, huwag nang patagalin ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng minamahal. Sa pinansyal, kung hindi ka magyayabang lalong madadagdagan ang kinikita. Mapalad ang 1, 10, 28, 37, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Violet at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng pera ang mga taong wala ng maasahan sa buhay. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 5, 18, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Una-Salus-Om.” Red at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Ang pangungulit ay sangkap upang umunlad. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal hanggang makuha mo ang iyong gusto. Sa pinansyal,  huwag kang titigil hanggang yumaman!  Mapalad ang 7, 15, 24, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Magenta at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Suwerte ka ngayong araw na ito. Lubos kang masisiyahan sa aspetong damdamin at pang-sexual. Sa napapanalapi, may malaking halagang matatanggap. Mapalad ang 1, 13, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Orissa-Krisna-Om.” Green at  beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Upang huwag sumama ang loob ay tumulong nang hindi naghihintay ng kapalit. Sa ganyang paraan, sa pinansayal at pag-ibig, lalo kang sasagana at mas magiging maligaya.  Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.”  Yellow at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –    Problema sa pananalapi? Wag mag-alala dahil agad din itong masosolusyunan sa tulong ng isang kaibigang Cancer. Problema sa pag-ibig, sagot ‘yan ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Salutra-Om.” Orange at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag ikumpara ang nakaraang pakikipagrelasyon sa kung ano ang mayroon sa ngayon. Wala kang karapatan pagkumparihin ito. Magpakaligaya sa kasalukuyan. Sa pinansyal, iwasan ang ugaling masyadong mapagbigay. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Makakaahon ka rin sa mga pagkakautang pagdating ng buwan ng Hulyo. Sa pag-ibig, kung nagkaproblema man sa relasyon kusa ding magkakasundo sa susunod na mga araw. Mapalad ang 7, 17, 23, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Polluseo-Palleo-Om.”  Gray at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending