Ano pa ang balak ipagawa ni Paolo sa bagong bahay?

PAOLO BALLESTEROS

KATAS ng matinding pagtatrabaho at pag-iipon ang dream house ni Paolo Ballesteros.

Maraming humanga sa ganda ng modern house ng Eat Bulaga Dabarkads na kanyang ipinost sa Instagram. Bukod sa maaliwalas ang paligid ng bahay, bongga rin ang walk-in closet ng TV host-comedian.

“I made sure na ako ‘yung mamimili, kaming dalawa ng architect. I’m so happy kasi nakuha ‘yung gusto ko, and may mga dinadagdag pa kami kasi hinii pa siya tapos kaya ‘di ko pa napapakita sa Dabarkads,” sabi ni Pao sa interview ng GMA.

At dahil mahilig si Paolo sa family gatherings, balak daw niyang magpagawa ng swimming pool, “Sobrang init at ‘yung mga bagets mahilig mag-swimming so we’re planning to put up a pool somewhere doon na maliit lang.”

Read more...