Ito ang inilabas na resolusyon ng Mandaluyong City RTC Branch 277 sa kasong kidnapping na isinampa ni Vina laban sa tatay ng kanyang anak. Sa report ng ABS-CBN, inutusan ng korte si Cedric Lee na magbayad ng “P300 fine and moral and nominal damages amounting to P50,000.”
“The action of the accused in not immediately returning the custody of minor Ceana was premeditated, intentional and malicious, as he adamantly refused to return the custody of minor Ceana to the private complainant, through her sister, when he is legally obligated to do so,” ang bahagi ng desisyon ni Presiding Judge Anthony Fama.
Matatandaang nagsampa ng kidnapping case si Vina noong 2016 laban sa dati niyang boyfriend at ama ng kanyang anak na si Ceana. Aniya, nilabag nito ang court ruling na may kaugnay sa visitation rights nito sa anak.
Nauna nang dinenay ni Cedric ang akusasyon ni Vina at nagsampa pa ng libel laban sa dating girlfriend. Dalawa sa libel cases ay nadismis na last year.