Nangyari ang aksidente ganap na alas-11 ng umaga, na nagdulot ng napakabigat na trapiko sa lugar matapos namang kapwa hindi madaanan ang magkabilang linya ng tulay na hinarangan ng mga nagkarambolang sasakyan, Glenn Antigua, operation chief of the Traffic Enforcement Agency of Mandaue (TEAM).
Idinagdag ni Antigua na isang lane din ang binuksan mga sasakayan papuntang Lapu-Lapu matapos mabangga rin ang isang sasakyan na nagdulot ng bara sa trapiko.
Tanging mga maliliit na sasakyan ang nakadaan sa Mandaue-bound lane, ayon pa kay Antigua.
Nawalan ng kontrol ang 20-footer prime mover habang tumatawid sa tulay papuntang Mandaue, sabi ng mga otoridad.
Binangga ng trak ang sasakyan na nasa harap nito na nagdulot ng domino-effect, kung saan apektado ang siyam pang sasakyan.
Wala namang nasaktan sa pangyayari, bagamat dinala ang ilang bata na sakay ng isang Toyota Innova dahil sa ospital dahil sa trauma.