Delikado ba ang paghilik?


TATLO sa limang lalaki o dalawa sa limang babae ang humihilik.

Nangyayari ang paghilik kapag ang muscle at tissue sa likod ng iyong lalamunan at bibig ay nagpapahinga at nalalagay sa likuran sa pagtulog na nagiging sanhi ng pagbara sa respiratory tract.

At kapag ang paghilik ay nakakagambala, ikaw ay dapat nang magpati-ngin na sa doctor.

Umaabot na rin kasi sa pitong porsiyento sa mga Pinoy ang dumaranas ng tinatawag na obstructive sleep apnea (OSA).

Bagamat ang paghilik ay warning sign na ng OSA, hindi lahat ng mga humihilik ay mayroong sleep apnea at hindi lahat ng may sleep apnea ay humihilik ayon kay Dr. Virginia S. de los Reyes, isang sleep specialist sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Kaya anya, dapat bantayan ang paghilik at OSA dahil mapanganib ito sa kalusugan dahil maaaring ito ay bunga ng heart fai-ure, heart attack, high blood pressure, stroke, neurocognitive impairment at aksidenteng dulot ng pagkaantok.

Ang OSA ay nagiging sanhi rin ng paulit-ulit na pagtigil at pagsisimula ng paghinga sa pagtulog.

Mangamba ka na rin kapag ang iyong paghilik ay nagtatapos sa ilang pananahimik na sinusundan ng pagsinghal, mai-ngay na hingal o pagkibit ng katawan.

Ayon kay Delos Reyes ang OSA ay nakakaapekto sa karamihan ng mga kalalakihan bagamat may mga kababaihan na nasa menopausal at postmenopausal period ay malaki ang panganib din dito.

Ang peligro ay tumataas din sa pagtanda dahil laganap ito sa mga may edad 50 pataas bagamat hindi naman ito normal na bahagi ng pagtanda.

Ang OSA ay nakakapekto sa lahat ng tao anuman ang edad kabilang ang mga bata. Sinabi rin ni Delos Reyes na bagamat may mga taong inuugnay ang OSA at mai-ngay na paghilik sa mga obese o matataba na kalalakihan hindi lahat ng may OSA ay obese.

Kung minsan ay OSA ay nagiging problemang mekanikal. Sa pagtulog, ang ating dila ay nalalagay sa harapan ng ating lalamunan na nagiging sanhi para mahirapan ang ating baga na makahinga.

Ang ilan sa mga sintomas ng OSA ay malakas na paghilik, madalas na pagtigil sa paghinga sanhi ng pagkabara, sobrang pagkaantok sa umaga, sakit sa ulo tuwing umaga sanhi ng pagkawala ng oxygen sa dugo na dumadaloy sa utak na resulta ng hindi maayos na paghinga sa gabi, paggi-sing na tuyo ang lalamunan o may sore throat, hirap sa konsentrasyon sa umaga, pagkakaroon ng mood changes tulad ng depresyon o pagiging iritable, pagpapawis sa gabi at pagbawas ng libido.

Ang sintomas ng OSA sa mga bata ay hindi naman agad nahahalata. Kabilang dito ang pag-ihi sa higaan, nabubulunan, paglalaway, sobrang pagpapawis sa gabi, learning at behavior disorders, problema sa eskuwela, pagiging antukin, paghilik, hindi mapakali sa pagtulog, pagtigil ng paghinga at kakaibang posisyon sa pagtulog.

Read more...