Yassi Pressman natupad ang b-day wish sa halagang P2.5M


NATUPAD ang isa sa mga birthday wish ni Yassi Pressman – ito ay ang magkaroon ng mas malaking sasakyan para magamit sa kanyang trabaho pati na rin ng kanyang pamilya kapag may outing sila.

Nabili ni Yassi ang isang Hyundai H350 van naba-litang nagkakahalaga ng mahigit P2.5 million. Ipinost ng dalaga sa Instagram ang litrato ng van habang nakasakay siya rito.

“Just got my new big baby 2 daysago!! Thank you so much #HyundaiAlabang! This will be my extended home promise. Hahahaha! Siguradong magagamit ko po to palagi sa mga tapings and long drives with my family,” aniya sa caption.

Pero ayon sa chika, nabili raw ni Yassi ang sasakyan ng 50% off kaya naka-save rin ng malaki ang aktres.

Read more...