HINDI maka-get over ang netizens sa dance portion ni Matteo Guidicelli bilang Lakam sa Bagani.
Habang hawak ang anting-anting na bigay ni Babaylan Gloria (Dimples Romana) ay napasayaw si Lakam para makaligtas siya sa bangis ni Sarimaw.
Winner ang dance number na ‘yon ni Lakam. Nag-trending iyon at talagang pinag-usapan sa social media.
“I think Lakam’s dance needed more airtime. What you think?”
“Hindi ko kaya!!! At hindi ka sumayaw sa last concert mo ah, so next concert meron na dapat no, @mateoguidicelli?”
“Bwisit ka Lakam ang sakit ng tiyan ko sa katatawa.”
“Naloka ako sa episode kagabi. Dami kong tawa, mula sa bugtungan hangang sa pamatay na galawan ni Lakam. Sobrang saya lang!”
“Hindi parin talaga ako maka move on sa Pamatay na galawan mo Lakam mahal na kita! Hahahaha.”
“Lakam’s Pamatay na Galawan. How my body quaked with laughter while watching Lakam gyrate and dance. First time for me to see Matteo dance. He will give Quen (Enrique Gil) a run for his money. Charot.”
“THE BEST PART ABOUT LAKAM DANCING IS THE FACT THAT MATTEO KEPT A STRAIGHT FACE WHILE FILMING THIS.”
Humihingi pa ng encore dance number ang netizens dahil aliw na aliw sila sa pagsasayaw ni Lakam.