MARAMI na palang kuwentong nananatiling nakatiklop tungkol sa isang kontrobersiyal na love tria-ngle sa showbiz. Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin ‘yun sa mga umpukan, inilalarawan ang nang-agaw sa pagiging insecure, habang kalmado naman ang female personality na naagawan ng karelasyon.
Sobrang selosa at insekurida nga ang nakatuluyan ng male personality, kahit sino na lang na mapalapit sa kanyang mister ay sinusugod niya, ‘yun na ang naging tatak ng maganda pa namang babaeng personalidad.
Kuwento ng aming source, “Inaapuntahan siya palagi ng selos at insecurity dahil may multo siyang kinatatakutan. Wala siyang tiwala sa sarili niya, palaging kulang ang pakiramdam niya, alam na alam niya kasi ang kuwento ng relasyon nila ng guy.
“Alam niya kasi na may girlfriend ang male persona-lity, pero gumawa pa rin siya ng paraan na makuha ang attention ng guy, hanggang sa ‘yun na nga, naging sila na nu’ng guy!
“Naloka na lang ang girlfriend nu’ng lalaki, asang-asa siya na sila pa rin, pero ‘yun pala, meron nang iba ang karelasyon niya! Napakasakit nga naman nu’n, kaya bilang babaeng may mataas na respeto sa sarili niya, mas pinili na lang niyang manahimik.
“Pero gusto pa rin pala siyang kausapin ng male personality, gumagawa ng paraan ang guy na makausap ang girlfriend niya, humingi pa nga siya ng tulong sa mga kaibigan niya, magkausap lang sila ng girl!
“Ilang kaibigan nu’ng aktor ang nakiusap sa girl na mag-usap sila nang maayos, pero walang pinagbigyan ang girl, deadma lang siya! Nu’ng mapagod na ang lalaki sa pakikiusap, ‘yun na! Nangyari na ang kanilang break-up na nangyari lang sa text!
“Para ano pa nga naman ang pag-uusap na hinihingi ng guy, e, naganap na ang lahat, nasaktan na niya ang girl! Ano ‘yun, maghuhugas-kamay ang lalaki, pagsasabayin sila ng bagong karelasyon niya? No way, highway, sabi ng girl na malaki ang respeto sa sarili niya!” madiin pang kuwento ng aming source.
Wala nang kailangang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sinu-sino ang bumubuo sa kontrobersiyal na love triangle na ito!