Taga-Cavite nanalo ng P15M

ISANG mananaya sa Cavite ang nanalo ng P15.8 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo na tumaya sa bayan ng Noveleta ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 34-12-22-15-20-27. Ang nanalo ay tumaya sa Puregold Noveleta.

Nanalo naman ng tig-P21,740 ang 33 mananaya na nakakuha ng apat na numerong lumabas.

Tig-P490 naman ang napanalunan ng 1,168 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 19,107 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Read more...