Gerald Anderson pasok sa Team Marikina ng MPBL ni Pacquiao


SA pagbubukas naman ng MPBL o Maharlika Pilipinas Basketball League ngayong June, inaasahan nang maglalaro sa team ng Marikina si Gerald Anderson.

Isang bagay na ipinagkakapuri ng liga na pag-aari ni Manny Pacquiao dahil added attraction at magandang marketing and advertising branding yun for the league na regional ang tema.

Inaasahang may iba pang celebrities na maeengganyong lumahok dito lalo na yung mga adik talaga sa basketball. Iba pa rin naman kapag tinawag kang professional player, di ba? Tapos sikat ka pang artista.

We’re still getting the reaction of Gerald’s management kung paano maaapektuhan ng pagsali niya sa nasabing liga ang showbiz career ng binata.

Pero may tsismis nga kapatid na Ervin na bukod daw sa pagiging star player ng Marikina team si Gerald, ay may “share” rin daw na puhunan ang hunk actor sa pagpapatakbo ng naturang regional team?

Bongga!

Read more...