KASADO na ang pagbabalik sa primetime ni Alden Richards sa bago niyang Kapuso series na Victor Magtanggol.
Inihayag ng Pambansang Bae na isa itong family drama na sinahugan ng action, adventure at fantasy.
Aminado si Alden na malaking hamon sa kanya ang bagong character sa series.
“Isang simpleng tao si Victor Magtanggol na nabigyan ng isang extraordinary mission sa buhay na susukat sa buhay niya, pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat,” pahayag ni Alden sa interview sa kanya ng 24 Oras.
Walang alinlangang tinanggap ni Alden ang ginagawang proyekto dahil matagal na niyang pangarap ang ganitong klase ng programa. At ang bago pa rito, magiging bahagi rin siya ng creative team upang lalong mapagbuti ang produksiyon nito.
“Natuwa ako at na-excite kasi ‘yung puso ng character naramdaman ko agad nang basahin ko ‘yun first week ng script,” saad pa ng Pambansang Bae.
Dagdag pa niya, makaka-relate daw ang Kapuso viewers kay Victor Magtanggol dahil ang istorya nito ay puno ng drama, aksyon at adventure na sumasalamin sa bawat mamamayang Pilipino.
“Nang ibinigay kasi sa akin ang Victor Magtanggol and then dinescribe ang character niya, ang lakas ng kuneksyon sa mga Pilipino. So ‘yung mga Filipino na may prinsipyo, ‘yung pag inatasan mong gawin ang isang bagay ay pinaninindigan nila. Gusto natin kapag pinanonood ng Kapuso natin si Victor Magtanggol, makikita nila ang sarili nila,” ayon pa sa Kapuso aktor.
Ayon sa GMA executives, star-studded ang cast na bubuo sa Victor Magtanggol at handa nila itong gastusan nang todo, huh! Wala pang leading lady si Alden sa serye at hidni pa rin sigurado kung makakasama niya rito si Maine Mendoza. Wala pa ring kasiguraduhan kung ka-join na rin sa VM sina Janine Gutierrez at Jasmine Curtis.
Pero balitang pasok na sa serye sina John Estrada at Eric Quizon.
Abangan sa aming column ang iba pang detalye sa bagong tagapagtanggol ng bayan – si Victor Magtanggol!
q q q
All-around performer ang dating ng The Singing Nurse mula sa Chicago, Illinois na si Nick Vera Perez. But take note na kahit nakatanggap na siya ng maraming parangal, hindi pa rin niya nakakalimutan ang tumulong.
Kelan lang ay namahagi siya ng blessings sa Kanlungan ni Maria sa Antipolo at sa Child Haus.
“Visiting any kids challenges my living. Seeing kids who need us for them to survive makes me feel worthwhile.
“I am very humbled spending time with them at the ehart of my homecoming.
“All my life is worth living because all these loving people helping me help these kids have a fun memory from us even for just a day,” pahayag ni Nick.
Bukod sa pagkanta, nakatakdang mag-concert si Nurse Nick sa Music Musem at mag-produce ng indie film at hangad niyang makaarte rin sa pelikula at teleserye.