Sa pagdinig ng Senate committee on public utilities kaugnay ng walang tigil na pagtaas na presyo ng mga bilihin at mga bayarin, sinabi ni Sen. Grace Poe, committee chair, na dapat isuspinde ang TRAIN law, partikular sa excise tax sa langis.
Suportado rin nina Sen. Nancy Binay at Sen. JV Ejercito ang panawagan ni Poe.
Sinabi ni Poe na hihilingin ng komite sa Department of Finance at iba pang ahensiya na pag-aralan ang suspensyonn ng excise tax sa langis.
Sa nangyaring pagdinig, inihalimbawa ng Train Network-Panay ang pagtaas ng presyo diesel, na siyang ginagamit ng mga jeepney, kung saan mula P34 kada litro noong Disyembre 2017, umabot na ito sa P43 hanggang P44 noong Mayo 24 ang itinaas o P10.
Dahil sa pagtaas umabot na sa karagdagang P2,644 kada magsasaka at P3,640 para sa mga empleyado.