HI ma’am, sir. Magandang araw po. Mag tatanong lang po ako, ano po ba dapat kong gawin kasi po three years na po ako sa company wala pa po ako contract kung regular na po ba ako o hindi?
Gusto ko po mag resign kailangan ko pa po ba gumawa ng resignation letter po? Nag paalam na po kasi ako sa boss ko sabi ko mag resign na ako kaso may mga na loan po ako sa kanya sabi niya po ipakukulong niya ako pag hindi ko binayaran.
Napapagod na po kasi ako. Lagi na lang papasok ng 8 a.m. tapos uuwi ng 9 or 10 p.m. na wala naman pong overtime pay.
Bukod pa riyan,
sobra pa magsalita yung boss na lalaki. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Kapag denimanda po ba nila ako makukulong po ba talaga ako o pwede ko ba sila isumbong sa DOLE? Mara-ming salamat po.
Mr. Gerry Rubio
REPLY: Magandang araw din po sa ating letter sender na si Mr. Rubio.. Sa kasalukuyan ay ipinasusuri na po namin sa legal service ang
inyong problema.
May mga legal concerns na hindi lamang basic labor standards ang dapat natin sagutin.
Sa sandaling makapagbigay na ng kasagutan ang aming legal department ay agad naming ipababatid sa inyo. Maraming salamat po.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.