Napahiya: JM De Guzman pinagbantaan ang sariling ama dahil kay Angelica?

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

“OK. YOU WANT ME UP IN A CAGE THEN I’LL COME OUT IN BEAST MODE.”

‘Yan ang nakakalokang post ni JM de Guzman sa kanyang Instagram which he deleted later. After this, isang quote card naman ang ipinost niya sa kanyang IG Stories na may message na, “If you can stay positive in a negative situation, you win.”

Aside from this, may isa pang post si JM sa kantang Instagram account kung saan makikita ang photo ng American rapper na si Eminem na nagtatakip ng kanyang ears. Nilagyan niya ito ng caption na, “Me and love is like a bad combination.”

Who was he referring to sa kanyang post na ‘yon?

Many believe it was his dad, Ronniel de Guzman, na lately ay nagpaparinig daw kay Angelica Panganiban dahil kasama nito sa isang inuman ang kanyang anak. Gumamit pa si Mr. de Guzman ng hashtags na #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany. Meaning, hindi pabor ang tatay ni JM sa mga pinaggagagawa niya ngayon sa kanyang buhay.

“Sa daddy niya. Although mali ang dad na nag post siya siguro umiinom ulit si JM. Natatakot siguro na baka gumrabe ulit at baka araw arawin,” one guy said.

“Eto naman kasing tatay niya, namamahiya ng kaibigan ng anak. Pag ganyan, pati s JM napapahiya. Hindi nagwowork ang ganyang style kasi nagagalit lang ung anak, lalong di makikinig,” opined one fan.

May isang concerned fan naman ang nagbigay ng payo and said, “Hi JM, I’m a fan and I hope you can read this. Whatever you are going through right now, keep in mind that we, your fans, friends and family are here for you and still believe in you.

“Try to always see the good in the world. Remember this when you’re on the brink of trying to go back to your dark days. Rise above it all and be the bigger and better person.”

Read more...