Bangs inokray ng bashers sa British accent, tinawag na social climber

BANGS GARCIA, LLOYDI BIRCHMORE AT BABY AMELIA

ACTRESS Bangs Garcia is being bashed dahil may British accent na raw ito at panay ang lagay ng England sa mga post nito sa social media.

Pinapalagan ng bashers ang paglalagay ni Bangs ng England sa kanyang Instagram geotags.

Nagbago na raw si Bangs. She has become so sosyalin na raw maging sa pananalita.

“Hindi ko magets yang lagi niyang pag tag ng location niyang England. HAHAHAHAHAHA.”

“Lakas maka social climber.”

“Feeling Dutchess of England daw. Kalurks ang drama ng babaeng to.”

“Kasi hindi siya London based. Hindi din kilala ang place kung saan siya nakatira kaya England na lang para alam ng lahat na nasa UK siya. Harharhar.”

“Natawa ako sa accent niya. Trying hard!!!!”

‘Yan ang mga panglalait kay Bangs. Eh, what’s wrong with that? Kung meron na siyang British accent, ano ang paki nila. Masyado silang inggit kay Bangs dahil napangasawa nito ay mayaman at ubod pa ng guwapo, si Lloydi Birchmore.

Read more...