UNANG na-feel ni Jake Zyrus ang kanyang “pagkalalaki” nang mag-topless siya sa beach ilang buwan na ang nakararaan.
Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ng transman singer na doon niya naramdaman ang pagiging “complete”
“Sa totoo lang po, hindi po ako mahilig sa beach, parang feeling ko hindi ako makakapag-enjoy but that day was different. Nakasando po ako nu’n, parang una tinanong ko pa sila, ‘Okay lang ba? Okay lang ba na tanggalin ko yung sando ko?’”
“They were all like, ‘Ano ka ba? Oo naman.’ So that was the first time I took it off. Yung moment na yun du’n lang talaga, yung sobrang legit na naramdaman ko eto na talaga yun. Yung feeling talaga na, ‘wow’ kumpleto na ako e,” sabi pa ni Jake.
Tungkol naman sa isang article na may title na, “A Lamentation: Charice (Jake Zyrus), like Boracay, goes into classic self-destruct mode” ayaw na itong patulan ni Jake. Aniya, “Nandu’n yung kurot na hindi niyo kasi alam yung mga pinagdadaanan ko.”
“But it’s sad not because it affects me, it’s sad dahil sanay ka na. Kailangan ba maging manhid lahat ng artists? Kailangan maging okay lang? Kailangan tanggapin lang? Of course, I’m not a hypocrite. I’m not going to accept that because you don’t know who I am,” chika pa ng international singer.
“This person you see right now is not a one-night decision, but thank you for showing this to all the people. Kasi lesson din to for everyone na (iniisip na) okay lang yan. We shouldn’t just say marami namang ganyan e. That’s the point hindi dapat maraming ganyan. Hindi dapat hinahayaan na sinasaktan lang yung mga tao kahit na ang trabaho nila ay pasayahin lang kayo,” sabi pa ni Jake.
Ito naman ang mensahe niya sa sumulat ng nasabing article, “You will get better, kung ano man yung pinagdadaanan mo. Hindi man kita kilala, I know how you feel.”