Ozamiz City councilor ‘Ardot’ Parojinog naaresto sa Taiwan

NAARESTO ng mga otoridad si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa Taiwan matapos ang 10 buwang pagtatagoa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kinumpirma ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao ang pagkakaaresto kay Parojinog, ang nakababatang kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Iniuugnay din si Parojinog sa iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad.

Idinagdag ni Bulalacao na tinangka ni councilor Parojinog na makapasok sa Taiwan gamit ang mga iligal na dokumento ng immigration.

Nangyari ang kanyang pagkakahuli limang araw matapos i-raid ang kanyang opisina at inn sa Ozamiz City,  kung saan nakumpiska ang mga baril at iligal na droga.

Noong Martes, pinatay ang kilalang abogado ng mga Parojinog, na si dating Ozamiz City prosecutor Geronimo Marave Jr..

Noong Setyembre, 2017, nag-alok si Pangulong Duterte ng P5 milyong pabuya para sa ikaaaresto ng councilor, na nagtatago simuka pa nang mapatay si Mayor Parojinog, ang misis na si Susan, at 14 na iba pa.

Naaresto naman sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at kanyang kapatid na si Reynaldo Jr.

Read more...