Baby nina Chito at Neri pinagtripan ng ‘hayop’ na netizen


MULI na naman tayong nakatisod ng mga netizens na walang patawad. Will they please spare innocent kids?

Hindi masisisi si Neri Naig kung pinatulan man niya ang isang netizen na nanlait sa itsura ng kanilang anak ni Chito Miranda na si Baby Miggy.

“Yuck, ang panget!” ang makapal-ang-mukhang comment ng naturang netizen nang i-post ni Neri ang picture nilang dalawa ng anak.

Walang sinumang nanay, pati tatay, na ang tingin sa kanyang anak ay pinagtaksilan ng magandang itsura.

All babies—or children—look beautiful in the eyes of their parents.

Saka baby ito, the temerity na ang inosente’t walang kalaban-labang paslit is shamed on social media.

Ipinanganak yatang perpekto ang siyang nanlait.

Hindi lang si Baby Miggy ang pinagtripan sa media platform na ito na inaabuso ng mga iresponsableng netizens.

Kaya hindi rin natin masisisi in recent past si Richard Gutierrez kung hindi rin pinalampas si Zion, or si Regine Velasquez noon kay Nate, at sa dinami-dami pa ng mga celebrity parents whose kids have fallen prey sa mga taong bata lang ang kayang patulan.

Read more...