Dingdong sa pagtakbong senador sa 2019: Wag na nating pag-usapan ‘yan!

DINGDONG DANTES

AYAW pa ring magsalita ni Dingdong Dantes tungkol sa balitang isa siya sa mga celebrities na tatakbong senador sa mid-term elections sa 2019.

Sa nakaraang mediacon para sa pelikula nila ni Anne Curtis, ang “Sid & Aya” tumangging magkomento ang aktor tungkol sa politika. Kasama ang pangalan ni Dong sa inilabas na survey ng Pulse Asia sa mga posibleng kumandidato sa pagka-senador next year.

Nag-smile ang aktor at sinabing, “Huwag na nating pag-usapan iyan.”

Maraming nagsasabi na kapag tumakbo si Dingdong ay sigurado na ang kanyang pagkapanalo dahil sa maganda niyang imahe at ginagawang pagtulong sa ating mga kababayan.

Read more...