Bagong serye ni Barbie sa GMA trending, hataw agad sa rating


TINUTUKAN at pinag-usapan nang husto ang pilot episode ng bagong Kapuso romcom series na Inday Will Always Love You last Monday.

Base sa datos ng Nielsen Philippines, pumalo sa 42% overnight people share ang IWALY.

Pati sa netizens, approved ang serye lalo na ang bubbly at positive attitude ng bida nitong si Happlylou played by Barbie Forteza. Umariba sa top spot ang hashtag #IWALYBonggangPilot. Sa katunayan, hindi pa umeere ang IWALY ay isa na ito sa mga trending topic sa Pilipinas at nanatili itong pinag-uusapan hanggang kinabukasan.

Tila sabik talaga ang DerBie fans sa pagbabalik tambalan nina Barbie at Derrick Monasterio. Excited na nga raw sila sa mga susunod pang episode lalo na ang pagkikita ng karakter ng kanilang mga idolo.

Napapanood ang Inday Will Always Love You pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Read more...