Petron XCS wagi sa Generika-Ayala

MAALAB na binuksan kahapon ng Powerhouse Petron XCS ang kampanya nito para mapanatili ang kampeonato sa women’s division ng Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup.

Kahapon ay binigo ng tamabalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang Generika-Ayala A nina Fiola Ceballos and Patty Orendain, 19-21, 21-14, 15-8, sa pagbubukas ng liga sa Sands By the Bay, Mall of Asia.

Nanalo rin sina Mylene Paat at Rap Aguilar ng Cignal A laban kina Bang Pineda at Sheeka Espinosa ng Generika-Ayala-B, 21-19, 5-21, 16-14.

Ang torneyong ito ay suportado ng PLDT, Sunsilk, Isuzu, Senoh, Mikasa, Maynilad, Petron, SM Malls, Generika Drugstore at UCPB Gen.

 

Read more...