American Idol winner may mensahe sa ina ni Marlo Mortel na may cancer


BAGO pa manalo si Maddie Pope sa newest season ng talent show na American Idol, super happy na ang Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel dahil sa ipinadala nitong mensahe para sa kanila ng kanyang ina na may cancer.

Isa si Marlo sa mga masuswerteng sinagot ni Maddie sa IG Stories nito at nagbigay ng message sa kanyang nanay na may stage 4 cancer, kaya naman ipinost niya ito agad sa kanyang social media account.

Sabi ni Maddie, “This message is for Marlo’s mom, and I’m in my pajamas and look like trash but I just want to say I know you’re going through a rough time right now and so your words mean a lot to me. And I really appreciate them, thank you.”

“American Idol winner @maddiepoppe sent me this before she won @americanidol today! She’s not just an amazing singer but also an amazing person inside and out. Congratulations and God bless you on your journey!” ang caption naman ni Marlo sa nasabing short video clip ni Maddie.

Si Maddie ang itinanghal na pinakabagong American Idol at isa sa mga napanalunan niyang premyo ay recording contract sa Hollywood Records.

Read more...