10 miyembro ng Aegis Juris na kinasuhan sa pagkamatay ni Atio Castillo inilipat sa Manila jail

INILIPAT ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Manila City Jail ang lahat ng 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na isinasangkot sa pagkamatay ng University of Sto. Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio” Tomas Castillo III.

Kabilang sa inilipat ay sina Arvin A. Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew at Marcelino Bagtang matapos ang kautusan ni Manila Regional Trial Court Branch 20 Judge Marivic Balisi-Umali.

Ibinasura ng Manila court ang urgent ex parte motion na inihain ng mga akusado na humihiling na sila ay payagang manatili sa kustodiya ng NBI dahil sa isyu ng seguridad.

Read more...