PSL Beach Volley Cup aarangkada


MAKAKASAGUPA ng matinding hamon ang nagdedepensang kampeong sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng Petron XCS sa pagbubukas ng Philippine Superliga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup ngayon sa Sands By the Bay, Mall of Asia.

Sina Rondina at Pons, na naglaro sa 29th Southeast Asian Beach Volleyball Championship noong isang taon, ay kabilang sa Pool A kasama ang powerhouse tandem nina Danika Gendrauli at Nene Bautista ng Cocolife-A at ang runner-up last year na sina Fiola Ceballos at Patty Oredain ng Generika-Ayala-A.

Nasa Pool B naman sina Mylene Paat at Rap-Rap Aguilar ng Cignal-A; Bang Pineda at Sheeka Espinosa ng Generika-Ayala-B; at Dhannylaine Demontano at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia A.

Nasa Pool C ang NCAA beach volley champion na sina Nieza at Jeziela Viray ng Foton kasama sina Cherry May Vivas at Janine Navarro ng Cignal-B; at Cecilia Bangad at Caitlyn Viray ng Smart.

At nasa Group D sina Fritz Gallenero at Mitch Morente ng F2 Logistics, Marge Tejada at Alex Tan ng Cocolife-B; at Jonah Sabete at Bianca Lizares ng Sta. Lucia-B.

Ang torneyong ito ay suportado ng PLDT, Sunsilk, Isuzu, Senoh, Mikasa, Maynilad, Petron, SM Malls, Generika Drugstore at UCPB Gen.

Read more...