Vice: Alam ko na ang tunay na misyon ko sa buhay!


SA pagbabalik ni Vice Ganda sa bansa at muling pagpapasaya sa It’s Showtime, magkomento kaya ito sa pinag-usapang viral sex video raw ng PBA player na si Terence Romeo?

Halos kasabay ng pagsikat ni Terence sa basketball ang pagkakaugnay niya sa TV host-comedian at ngayon ngang meron daw itong lumang sex video na lumutang, siyempre curious ang marami sa komento o reaksyon ng Phenomenal Box-Office star.

Still on Vice, sulit ang ilang araw na pagkawala nito sa Showtime (nag-show sa Canada at USA) dahil sa kanyang pagbabalik noong Lunes, aba’y parang sermon sa misa ang narinig ng madlang pipol.

Patungkol ito sa naranasan nitong depresyon nang magsunod-sunod ang pagpapakasal ng mga taong sobrang malapit sa kanya. Dumating pa sa puntong gusto na niyang magbawas ng trabaho (ayaw na niyang sumali sa MMFF) para mas mabigyan ng oras ang sarili.

Noon niya na-feel na awang-awa siya kanyang sa sarili dahil habang nagpapasaya raw siya ng maraming tao, ay siya namang tanong niya sa sarili kung sino naman ang magpapasaya sa kanya?

Kung ang mga closest friends niya na babae ay nag-asawa na and soon will be mothers, and his male friends naman ay may serious relationship na rin, paano naman daw siya?

Then sumegue ito sa pagkaka-discover niya ng tunay niyang misyon sa buhay, “My purpose is to make people laugh. Ang mga matatanda, makakalimutan nilang may sakit sila. Para ‘yung mga nanay at tatay na gusto nating makasama ay humaba pa ang buhay.

“Para ‘yung mga millennials na nadi-depress at naisip nilang magpakamatay ay ma-realize nilang masaya pa pala ang buhay,” ani Vice.

Yan daw ang tunay na misyon na ibinigay sa kanya ng Diyos, kaya hindi raw niya ito iiwan o aayawan.

Iyan si Vice Ganda!

Read more...