Agot binantaan ng bashers: Wag na wag tatakbong senador

AGOT ISIDRO

ISA si Agot Isidro sa inaawitan ng Liberal Party para makasama sa anim na senatorial canadidates ng partido.

Sa isang statement ay sinabi ni LP President Sen. Francis Pangilinan na ang anim ay ang magiging “Resistance Coalition” para sa 2019 mid-term elections.

Hindi pa man nakakapag-decide si Agot kung tatanggapin niya ang hamong tumakbo bilang senador ay left and right na batikos na ang inabot niya.

May nagbanta pa nga sa buhay niya kapag siya’y tumakbo.

Some netizens also urged Agot na tumakbo na at huwag nang magpatumpik-tumpik pa para may kokontra raw lagi sa mga senador na sipsip sa administration.

Ang nakakatawa, hindi binabatikos ng detractors niya ang mga nasasangkot sa corruption. Parang bulag sila rito. How funny!!!

Read more...